Ang iyong account ay nangangailangan ng beripikasyon!I-uploadiyong mga dokumento sa beripikasyon.
Naberipika ang account mo

Ang karera ng kabayo ay may mayamang kasaysayan na nagmula pa sa lumang panahon. Ang bugso ng damdaming hatid ng panonood ng malalakas na kabayong binabagtas ang karerahan ng napakabilis ay hindi mapapantayan. Ang hindi magkamayaw na mga manunuod habang naglalaban ang mga kabayo tungo sa dulo ay isa pang tanawing kapanapanabik sa sinaunang sport na ito.

Ang kasikatan ng karera ng kabayo ngayon ay nagpapatuloy na lumalaganap sa buong mundo. Tunay ngang ang sport na ito ay nabago na ng panahon, salamat sa teknolohiya. Ngayon, ang mga tagapagsanay ng kabayo ay gumagamit ng GPS tracking at analytics app para ihanda ang mga kabayo sa iba't ibang karera. Kaya naman, maaari silang makakuha ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kabayo tulad ng heart rate, bilis, distansya, at marami pang iba. Ang ganyang teknolohiya ang patuloy na tumutulong sa paglago ng sport.

Ang kasabikang tumaya sa iyong paboritong kabayo at pag-cheer dito tungo sa tagumpay ay hindi mapipigilan. Sa Wazamba, nagbibigay kami ng mga kapanapanabik na tayaang hindi mo makakalimutan.

Tumaya na sa Iyong Paboritong Karera ng Kabayo sa Buong Mundo

Ang ingay na dulot ng karera ng kabayo ay nakakabighani ng mga manonood sa iba't ibang klase ng pamumuhay. At habang nakakaaliw ang panonood, isa pang elemento ng sport ang mas nakakaengganyo -ang pagtaya sa karera.

Ang pagtaya sa karera ng kabayo ay naging sikat na pampalipas-oras sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Pero alam mo ba na ang tayaan sa karera ay higit pa sa laro ng tsansa? Oo... nangangailangan ito ng masusing pag-aaral at konsiderasyon. Kumbaga, sinusubukan nito ang iyong talino at talas.

Samakatuwid, dapat aralin ang mga bagay tulad ng porma ng mga kabayo, ang kanilang perpormans, at mga kundisyon sa track para magkaroon ng mas mataas na tsansang mahulaan ng tama ang kalalabasan ng isang karera.

Ang hinete ay isa pang mahalagang elementong dapat alalahanin kapag tataya sa karera ng kabayo. Ang isang matagumpay na hinete ay makakagawa ng malaking pagkakaiba sa isang karera. Maniwala ka, hindi ka makakakuha ng ganyang napakaimportanteng tip sa ibang sportsbook. Dahil diyan, mahalagang tulad ng ibang tayaan, kahit ang pinakamaingat at napag-aralang karera ay pwedeng matalo. Tama. Ang gusto lang naming sabihin ay mainam pa rin ang may kaunting alam para mas ma-enjoy ang sport.

Ang kakaiba sa pagtaya sa karera ng kabayo online ay ang malawak na spectrum ng mga karera na pagpipilian. Sa Wazamba, saklaw namin ang maramihang karera sa buong mundo. Narito ang ilan sa mga malakihang karera ng kabayo na aming saklaw:

  • Kentucky Derby: Ang Kentucky Derby ay isa sa pinakamatatandang karera ng kabayo sa buong mundo. Simula noong 1875, malaki na ang fanbase ng karerang ito. At patuloy itong lumalago. Karaniwan itong ginaganap sa ika-1 ng Mayo. Libu-libong fans ang nagkukumpulan sa Churchill Downs para masaksihan ang panoorin tampok ang mga kabayong thoroughbred.
  • Dubai World Cup: Ang Dubai World Cup ay taun-taon ginaganap simula noong 1996 at pinakaprestihiyosong karera ng kabayo sa buong mundo sa kasalukuyan. Nagdadala ito ng libu-libong manonood at ginaganap sa Meydan Racecourse sa Dubai mula Enero hanggang Marso. Ibig sabihin, ito ay tatlong buwan ng libangan para sa mga panatiko at mananaya ng karera.
  • Breeders' Cup: Inilunsad noong 1984, ang Breeders' Cup ay isa ring sikat na karera at ang lugar ay palipat-lipat kada taon. Ang serye ng kwalipikadong ganap ay nangyayari sa iba't ibang parte ng mundo at ang pinal na ganap ay nagsisimula sa unang Sabado ng Nobyembre.
  • Melbourne Cup: Ang unang karera sa Melbourne Cup ay ginanap noong 1861. Ang ganap na ito ay nangyayari tuwing unang Martes ng Nobyembre taun-taon sa Flemington Racecourse sa Melbourne.
  • The Everest: Nagsimula ang The Everest noong 2017. Ito ay ginaganap tuwing Oktubre sa Royal Randwick Racecourse sa Sydney, Australia, at isa sa pinakamarangyang karera ng kabayo sa bansa.
  • Salamat sa internet, mahahanap mo kaagad ang resulta ng iba't ibang karera ng kabayo sa iba't ibang parte ng planeta. Halimbawa, mahahanap mo ang resulta ng tayaan ngayon kung busy ka at hindi makasubaybay sa live na kaganapan.

Enjoyin ang Aksyon Gamit ang iyong Mobile Device

Ang mobile na karera sa kabayo ay naging sikat na sa mga nakaraang taon. Marahil ito ay dahil sa kaalwanan ng pag-access sa mga karera kahit nasaan ka, at sa kahit anong oras. Nakuha mo... hindi mo kailangang pumunta pa sa racecourse para enjoyin ang sigasig ng karera. Imbes na ganoon, hinahayaan ka naming i-stream ang aksyon ng live gamit ang iyong smartphone o tablet at magsaya. Kaya ang mga balakid sa paglalakbay ay hindi magiging sagabal para maranasan mo ang masayang karera.

Ang kagandahan ng pagtaya sa Wazamba ay hindi mo kailangan ng app ng karera ng kabayo para enjoyin ito. Na-optimize namin ang aming site para sa mga mobile device para ma-access mo ito ng hindi na nagda-download pa ng kahit ano sa smartphone o tablet mo. Kaya kahit iOS o Android ang gamit mong device, pwede mong sundan ang iba't ibang kompetisyon sa totoong oras.

Pag-unawa sa Iba't Ibang Klase ng Taya

Nag-aalok ang Wazamba ng iba't ibang tayaan ng karera ng kabayo na pwede mong pagpilian, bawat isa ay may sariling panuntunan at payout. Kaya naman mahalagang maintindihan ang iba't ibang klase ng taya na aming inaalok. Sa paraang ito, mas maganda ang disposisyon mo na gumawa ng matalinong desisyon at mapalakas ang iyong odd na manalo.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga opsyon ng tayaan sa karera ng kabayo na maaari mong masubukan sa aming site:

  • Win Bet: Ang Win Bet, na kilala rin sa tawag na Straight Bet, ay ang pinakaprangkang uri ng taya na pwede mong ilagay sa isang karera. Dito, ilagay mo lang ang iyong taya sa kabayong sa palagay mong mananalo. Kaya mananalo ka kapag una siyang nakarating sa finish line.
  • Place Bet: Ang Place Bet ay ang pagtaya sa kabayo na makatapos sa unang dalawang posisyon sa itaas. Ibig sabihin, panalo ka kung ang kabayo ay matapos sa una o pangalawang posisyon.
  • Show Bet: Ang klaseng ito ay ang pagtaya sa isang kabayo na makatapos sa kahit ano sa unang tatlong posisyon. Panalo ka kung ang kabayo ay matapos sa una, pangalawa, o pangatlong posisyon sa kompetisyon.
  • Exacta Bet: Ang Exacta Bet ay mas mapanghamon. Sa klaseng ito, tataya ka sa eksaktong posisyon kung saan ang unang dalawang kabayo ay matatapos. Kumbaga, kailangang mahulaan mo ng tama kung anong kabayo ang matatapos sa una at pangalawang posisyon para manalo.
  • Trifecta Bet: Nilalaro ang Trifecta Bet na parang Exacta Bet. Ang pagkakaiba lang ay ang bilang ng kabayo, kung saan tatlo ang sa Trifecta. Huhulaan mo kung anong kabayo ang matatapos sa una, ikalawa, at ikatlong posisyon.
  • Superfecta Bet: Ang klase ng tayang ito ay mas pinataas na lebel ng pagtaya. Sa Superfecta, tataya ka sa eksaktong posisyon ng unang apat na kabayong mananalo.

Ang karera ng kabayo ay isang sport na nakakuha na mga panatiko sa buong mundo sa loob ng ilang daang taon. Ito ay nakakaganang panoorin ng bilis at lakas na nakakabighani sa mga manonood ng kahit anong edad. Tunay na nakakaaliw ang makakita lang ng isang kumpol ng thoroughbred na nangangarera at nagpapakita ng kanilang mga muscle.

Hindi limitado ang saya sa panonood ng iyong paboritong kabayong nananakbo sa racetrack para makarating sa finish line. Pwede ka ring tumaya sa kabayo para manalo sa karera. Inaalok ng Wazamba ang napakalawak na opsyon ng pagtatayaan sa karera na babagay sa lebel ng iyong karanasan at budget. At salamat din sa aming mobile-friendly at madaling puntahang site, ang pagtaya sa mga karera ng kabayo ay mas pinadali. Bukod diyan, saklaw namin ang mga karera sa iba't ibang parte ng mundo. Pwede kang mag-stream ng mga taya ng live at manood sa aksyon sa totoong oras. Kaya naman sumakay ka na at maranasan ang saya ng sinauna at makabagbag-damdaming sport.

PromotionsMga Promosyon
Live gamesLive Casino
GamesMga Laro
SportSport
TournamentsMga Tournament